Sekyu tinodas ng kawatan

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng  buhay ang 21-anyos na security guard matapos itong pagsasaksakin ng grupo ng notoryus na robbery/holdup gang na nanloob sa binabantayan nitong establisyemento sa  kahabaan ng Lopez Aveneu, Barangay Malake sa Los Baños, Laguna kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Conrado Masongsong, hepe ng Los Baños PNP ang biktima na si Robert Depon Jr. ng Asean Treasure Security Agency  at nakatira sa Veteran’s Village, Project 7, Quezon City. Sa salaysay ni Michelle Malabag, finance officer ng Emilio Appliance Center nagulat na lamang siya ng makitang nakabukas ang main door ng kanilang tanggapan kung saan nakabulagta ang duguang biktima. Nakabukas din ang safety vault  ng appliance center na nawawala ang P 70,000 cash, tatlong cell phones, Lenovo laptop at ma­ging ang nakaisyung baril sa biktima na cal. 9 mm Norinco pistol.

Show comments