5-katao sinuwag ng jeep

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Lima-katao ang kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan matapos na suwagin ng owner-type jeep ang tindahan sa gilid ng highway sa Sitio Lumbang, Barangay Malinta sa Masbate City, Masbate kahapon ng umaga. Patuloy na isinasalba sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktimang sina Janel Vladeavilla, 7; Elvin Macasinag, 7; Jesus Verano, 13; Fely Coronal, 51; at si Ma. Jona Verano, 39, pawang mga nakatira sa nabanggit na barangay. Samantala, nasakote naman ng pulisya ang driver ng jeep na si Hemogenes Pasia, 40, ng Barangay Ambolong sa bayan ng Aroroy, Masbate.  Ayon sa ulat, nakaupo ang mga biktima sa harapan ng tindahan nang araruhin ng jeep ni Pasia na sinasabing nakaidlip sa pagmamaneho.

Show comments