Preso natigok sa kulungan

QUEZON, Philippines - Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagkamatay ng 41-anyos na preso na may kasong rape kamakalawa ng umaga sa lock-up jail ng bayan ng Real, Quezon. Kinilala ng pulisya ang nasawing preso na si Ramil Lazado, tubong Patnanungan, Quezon at nahaharap sa kasong rape. Ayon kay PO2 Julycer Sayadi, dakong alas-5:00 ng umaga ay tinungo ni Junel Mateo ang nakahigang kabarong preso upang yayaing mag-almusal subalit hindi ito sumasagot. Nang hipuin ang katawan ng biktima ay malamig na ito at hindi na humihinga kaya dinala sa CM Recto District Hospital kung saan sumasailalim sa pagsusuri ng mga manggagamot.

Show comments