Van vs trike: 2 dedo, 2 grabe

DINALUPIHAN, Bataan , Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang sibilyan habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang traysikel at closed van sa Olongapo-Gapan Road sa Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng tanghali. Idineklarang patay sa Sto. Ara Medical Center sina Rolando Relucio, 56; at Robert Retuerne, 45, tricycle driver, kapwa nakatira sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Hermosa, Bataan. Naisugod naman sa James Gordon Memorial Hospital si Jason Retuerne, 25, habang ang driver ng van na si Augusto Balite, 33, ng Camarines Sur ay naisugod sa Jose Lingad Hospital sa San Fernando City, Pampanga. Ayon kay PO3 Dennis Abad, nag-overtake ang van sa sinusundang motorsiklo kung saan hindi nito namalayang kasalubong na ang traysikel na sinasakyan ng mga biktima.

Show comments