Humataw si James sa panalo ng Heat vs Mavs

DALLAS – Isang eksplosibong dunk ang pinakawalan ni LeBron James sa decisive fourth-quarter run at masayang nagtungo sa bench matapos tumawag ng timeout ang Dallas.

Nag-enjoy sa pagla-laro ang Miami star laban sa kanyang dating neme-sis ngayong season.

Umiskor si James ng season-high 42 points sa paghahanda ng Heat  para sa showdown laban sa Oklahoma City matapos igupo ang Mavericks, 117-106, sa NBA  nitong Martes ng gabi.

Halos walang maka-pigil sa 10-time All-Star na si James sa unang laro mtapos ang All Star break, nang kanyang higitan ang dating season high na 39 points na kanyang naitala sa panalo kontra sa Dallas sa Miami noong November.

Ang panalo ay kumumpleto sa ikatlong sunod na season sweep ng Miami sa Mavericks – anim  na sunod na laro  sapul nang matalo sila  noong 2011 NBA Finals, ang unang season ni James saHeat.

“He is great and we know he is great,” sabi ni Dallas coach Rick Car-lisle. “He scored a bundle of points on us last time and he was even better tonight.”

Ang Miami ay nanalo ng anim sa kanilang hu-ling pitong  laro.

Show comments