CEBU CITY, Philippines – Nagpamalas si backup Eduard Sacapaño ng mahusay na goalkeeping nang gulantangin ng Azkals ang Singapore Lions, 1-0 noong Huwebes ng gabi upang ipakita ang kanyang ka-handaan sakaling siya ang isalang kung hindi makakasama sina goal keepers Neil Etheridge at Roland Muller sa AFF Suzuki Cup sa susunod na linggo.
Matapos matanggap ang balitang posibleng hindi makasama si Ethe-ridge sa team, mahusay na sinawata ni Sacapaño ang mga opensiba ng Lions tungo sa kanilang tagumpay na magandang pabaon bago sumabak sa AFC Cup.
Sa tulong nina Rob Gier at Juani Guirado na nagbigay ng solidong back support sa goal keeper, nagawa ng Azkals na di paiskorin ang Singapore bagamat nagkaroon sila ng 19 attempts overall, 13 nito ay on target.
Ang game-winner ay inihatid ni Marwin Angeles sa 54th minute para ipakitang ang kanilang 2-0 panalo sa Lions noong September ay hindi suwerte lamang.
“Nagprepara ako at focus sa game kasi ito ang test ko, baka makalaro ako sa Suzuki Cup kaya ginawa ko na ang lahat. I’m happy nakapag-perform ako ng maganda,” sabi ni Sacapaño.
Hindi pa sigurado kung makakasama sina Ethe-ridge at second choice Muller para sa Nov. 24-30 group stages sa Bangkok. Ayon sa mga ulat sa Bristol Post, sinabi ng Rovers boss na si Mark McGhee na mas pinili ni Etheridge na manatili sa team kaysa lumaro sa Azkals bagamat wala pang natatanggap na formal notification ang Phl team mula sa Fil-British player o sa kanyang club.
Mas maganda ang inilaro ni Sacapaño kumpara sa inaasahan mula sa kanya.
Pinigilan niya ang penalty kick ni Shi Jiayi sa stoppage time para mamintina ang scoreless draw sa halftime at ang lahat ng kanyang mga teammates ay nag-high-five sa kanya at isinigaw ng crowd ang kanyang pangalan nang siya ay lumabas patu-ngong dugout.
Mayroon din siyang anim na saves sa kabuuan ng match.