Goodbye Bossing

Simula next season ng PBA, wala nang Blackwater Bossing.

No, dehins sila nagpaalam or nag-disband. Magpa­palit lang ng pangalan.

From Bossing, tatawagin na silang Blackwater Ra­zors.

Naikuwento ito ni Blackwater coach Pat Aquino sa Sports Confidential, ang sports talk show ng Abante TV tuwing Biyernes ng 1 p.m.

“Papalitan na,” ang sabi ni coach Pat.

Desisyon daw ito ng super cool team owner na si Dio­celdo Sy.

“Puro daw kasi Bossing ang players namin,” ang pa­birong sabi ni coach.

Kaya sa bagong pangalan, baka maging mas ma­talas na ang mga players nila.

Aahitan ang kalaban.

Ousted na ang Blackwater sa PBA Governors’ Cup kung saan nagtala sila ng 3-7 record.

“Sana makabawi sa next season,” sabi ni coach Pat na waiting pa din sa new contract extension niya sa Blackwater.

Boss Dio, pirmahan mo na nga.

Show comments