Double kill para sa Perpetual

Hinatawan ni Jem Damasco Menor ng Perperual Lady Altas ang defenders ng Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 101 women’s volleyball.

MANILA, Philippines —  Kumana si Shaila Omipon ng team-high 18 points para gabayan ang University of Perpetual Help System DALTA sa 28-26, 25-14, 26-24 pagdaig sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 101 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Nagdagdag si Cyrille Almeniana ng 16 markers para sa pang-limang sunod na ratsada ng Lady Altas at patuloy na banderahan ang Group A.

Waa pa ring panalo ang EAC sa limang laro.

Nakalusot ang Perpe­tual Help sa first set, 28-26, bago dominahin ang se­cond frame, 25-14, sa likod nina Omipon, Almeniana at Jemalyn Menor.

Nakatabla ang EAC sa 24-24 sa third set galing sa attack error ni Omipon.

Matapos ang service error ni Cara Dayanan para sa Lady Generals ay hinataw naman ni Omipon ang game-sealing attack sa pag-eskapo ng Lady Altas.

Lumapit ang Perpetual Help sa pagduplika sa kanilang 6-0 record sa Season 100, ngunit kinapos sa pagpasok sa Final Four.

Sa men’s division, wagi rin ang Altas sa Generals, 25-16, 9-25, 23-25, 26-24, 15-11.

Tinapos ng Perpetual ang three-game winning streak ng EAC para sa magkatulad nilang 3-2 baraha sa Group A.

Show comments