National boxing team maaga ang preparasyon

MANILA, Philippines — Sinimulan na ni two-time Olympian Nesthy Petecio ang kanyang pre­pa­rasyon para sa mga la­lahukang training camp at international boxing com­pe­titions ngayong 2025.

Kahapon ay nag-post si Petecio ng kanyang lit­rato kasama ang national coaching staff ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa Teachers Camp, Baguio City.

Magtutungo si Petecio at ang mga national boxers sa training camp sa Korea sa Abril para paghandaan ang  World Championships sa Liverpool sa Setyembre.

Isasalang din ng ABAP ang tropa sa World Cup sa New Delhi, India sa Nob­yem­bre at sa 33rd edition ng Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.

Nagmula si Petecio sa pagsuntok sa bronze me­dal sa nakaarang 2024 Pa­ris Olympics kagaya ng kinolekta ni Aira Villegas.

Inaasahang susunod sa 32-anyos na si Petecio sa Teachers Camp sina Villegas, Carlo Paalam, habang wala pang desisyon sina Eumir Felix Marcial at Hergie Bacyadan.

Sina Petecio at Paalam ay nag-uwi ng silver medal at nagdagdag ng bronze si Marcial noong 2020 Tok­yo Olympics kung saan bi­nuhat ni lady weightlifter  Hi­dilyn Diaz ang unang Olympic gold ng Pilipinas.

Bukod sa national team ay nakatutok na rin si Mar­­cial sa kanyang pro­fessio­nal boxing career, sa­mantalang nasa kampo ng vo­vinam team si Bacya­dan.

Show comments