Meralco pinaghahandaan din ang EASL

MANILA, Philippines —  Bukod sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup ay pinaghahandaan din ng Meralco ang East Asia Super League.

May 2-2 kartada, naka­upo sa No. 2 spot ang Bolts sa Group B sa EASL pa­pa­sok sa huling dalawang laro.

Nasa likod ng Meralco ang Macau Black Bears (2-3), New Taipei Kings (1-2) at Busan KCC Egis (1-3).

Tanging ang Top 2 teams sa bawat grupo ang aabante sa EASL Final Four sa Marso.

Nakatiyak na ng tiket na ang Japanese club Ryukyu Golden Kings hawak ang 4-0 baraha.

Wala pang panalo ang isa pang PBA team na San Miguel Beermen sa Group A sa kanilang 0-3 marka.

Mas magandang stan­dings sana ang nabaon ng Bolts papasok sa New Year subalit nasayang ang malaking bentahe kontra sa KCC Egis, 68-72, sa homecourt ng huli sa Busan bago ang Pasko at long break ng PBA at EASL.

Makakasandal ang Me­ralco sa homecourt advan­tage nito sa Philsports Are­na sa Pasig City para sa krus­yal na laban nito sa Ryu­kyu sa Enero 22.

Ititiklop ng tropa ni coach Luigi Trillo ang kampan­ya nila kontra sa New Taipei Kings sa Pebrero 12 sa New Taipei.

Subalit bago iyon ay itu­tuon muna ng Bolts ang atensyon sa guest team na Hong Kong Eastern, kasali rin sa EASL, sa pagbabalik ng PBA bukas sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nasa ikaanim na pu­wes­to ng PBA Comm’s Cup ang Meralco na may 3-2 record, habang No. 3 ang Hong Kong hawak ang 6-2 kartada. (JB Ulanday)

Show comments