May twist or may spin pa ang kuwento ni John Amores, ang suspendidong PBA player ng NorthPort.
Ayon sa isang ulat, may chance pa na ma-recover ni Amores ang professional license niya na na-revoke ng Games and Amusement Board.
‘Yan eh kung malulusutan niya ang kasong attempted homicide dulot ng shooting incident sa isang pick-up game sa Laguna last September.
Ayon sa police report, namaril si Amores kasama ang kapatid niya. Walang nasaktan kaya mas malaki ang chance na magkaroon sila ng off-court settlement.
In short, maglalabas si Amores ng pera para ma-drop ang kaso. At siguradong mas malaking amount kesa sa P4,000 na pusta sa nasabing game.
Then, puwede siyang mag-apply ulit ng license sa GAB gaya ng ginawa ni Calvin Abueva na nasuspinde ng PBA ng 16 months at binawian ng GAB license noong 2019.
Pero nakabalik ang “The Beast” na ilang beses ding nasangkot sa mga issues sa PBA. Kaya lang, never namaril si Abueva.
‘Yan ang kaibahan nila ni Amores. Malayo ang nanuntok sa namaril.
Actually, kumbaga sa baseball, strike out na si Amores. Strike 1 nu’ng nanuntok siya sa isang pre-season game laban sa UP at Strike 2 nu’ng nag-amok siya sa isang NCAA game. Strike 3 ‘yung barilan sa Laguna.
Huwag na nating hintayin ang Strike 4.