Pang-siyam sunod na ratsada ng Thunder

Kinaliwa ni Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang layup kontra kay Indiana Pacers forward Pascal Siakam.

 INDIANAPOLIS - Di­nuplika ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang career high na 45 points parta banderahan ang 120-114 pagdaig ng Oklahoma City Thunder sa Indiana Pacers.

Nagsalpak si Gilgeous-Alexander ng 15-of-22 fieldgoal shooting at perpektong 11-of-11 sa free throw line para sa pang-si­yam na sunod na arangka­da ng Thunder (24-5).

“It’s the extra plays that put you over the edge,” sabi ng 26-anyos na Canadian star.

Umiskor si Jalen Williams ng 20 points at kumo­lekta si Isaiah Hartenstein ng 11 points at 13 re­bounds.

Pinamunuan ni Andrew Nembhard ang Pacers (15-16) sa kanyang 23 points, habang kumabig si Pascal Siakam ng 22 points.

Tinapos ng Oklahoma City ang five-game winning streak ng Indiana.

Matapos ang basket ni Tyrese Haliburton spara sa 107-103 abante ng Pacers, isang 8-0 atake ang ginawa ng Thunder para agawin ang 111-107 bentahe sa huling 1:39 minuto ng fourth period.

Sa Orlando, ipinasok ni Tyler Herro ang isang 19-foot jumper sa huling 0.5 segundo sa 89-88 pagtakas ng Miami Heat (15-13) sa Magic (19-13).

Sa New Orleans, hu­ma­taw si Fil-Am guard Jalen Green ng 30 points sa 128-111 panalo ng Houston Rockets (21-9) sa Pelicans (5-26).

Sa Milwuakee, kuma­ma­da si Cam Johnson ng 29 points sa 111-105 pag­giba ng Brooklyn Nets (12-18) sa Bucks (16-13).

Show comments