Heading nahirang na PBAPC Player of the Week

MANILA, Philippines — Hinirang si Jordan Hea­ding ng Converge bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week bago ang Christmas break ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Naglista ang Fil-Austra­lian shooting guard ng mga averages na 19.5 points, 4.3 rebounds, 7.8 assists at 1.5 steals para bande­ra­han ang kampanya ng Fi­berXers.

Si Heading ang bumida sa four-game winning streak ng Converge para man­duhan ang kanilang pag-angat sa team stan­dings matapos mangulelat noong nakaraang Season 48.

“Our record is really what I all care about,” ani Hea­ding na naglaro muna sa Japan at Australia bago sumalang sa PBA.

“I’m thankful to the coa­ching staff for trusting me, to have the responsibi­lity of putting the ball in my hands and I’m taking that res­ponsibility seriously,” dag­dag nito.

Bumanat si Heading ng 30 points, 6 rebounds at 8 assists sa 110-94 panalo ng FiberXers sa Meralco Bolts para sa kanilang 6-2 kartada ka­tabla ang guest team Hong Kong Eastern sa likod NorthPort Batang Pier (6-1) at Rain or Shine Elasto Painters (4-1).

Nauna nang pinatumba ng Converge ang NLEX, 102-91, Phoenix, 116-105, at Barangay Ginebra, 98-91.

Bagama’t noong 2020 pa na-draft ay ngayon lamang naglalaro ang 6-foot-2 na si Heading sa PBA ma­tapos makuha mula sa Terrafirma bago ang Commissioner’s Cup.

Siya ang No. 1 pick sa special round noong 2020 PBA Rookie Draft.

Muling sasalang ang FiberXers sa Enero 11 kontra sa TNT Tropang Giga.

Show comments