MANILA, Philippines — Bago labanan ang kulelat na Terrafirma ay may inihanda nang Christmas dinner sina Rain or Shine team co-owners Terry Que at Raymond Yu.
Mabuti na lamang at tinalo ng Elasto Painters ang Dytip, 124-112, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup noong nakaraang Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.
“We’re having a Christmas dinner also. So mabuti na lang hindi nasira ‘yung mood namin kung hindi, hindi kami makakakain nang husto,” wika ni coach Yeng Guiao. “Masarap pa naman ang hinanda nila boss.”
Ang Rain or Shine ngayon ang pinakamainit na tropa sa elimination round sa hinakot na four-game winning streak para sa 4-1 record.
Nangunguna pa rin ang NorthPorth bitbit ang 6-1 baraa kasunod ang guest team Eastern (6-2) at Converge (5-2) na naglista ng tatlong dikit na ratsada.
Matapos ang huling laro bukas ng PBA para sa taong 2024 ay magbabalik ang mga aksyon sa Enero 5 sa Smart Araneta Coliseum.
Sasalang ang Eastern at Meralco sa unang laro sa alas-5 ng hapon kasunod ang salpuklan ng mag-utol na Ginebra at San Miguel sa alas-7:30 ng gabi.
Muli namang maglalaro ang Elasto Painters sa Enero 8 katapat ang Blackwater Bossing sa Philsports Arena.
“It was good to win four straight games before Christmas, before the New Year,” dagdag ni Guiao.
Samantala, maghaharap bukas sa Araw ng Pasko ang Gin Kings at Magnolia Hotshots sa alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng FiberXers at Bolts sa alas-5 ng hapon sa Big Dome.