Dehins mahulugan ng karayom ang Smart Araneta Coliseum para sa Game 3 ng UAAP finals between UP at La Salle nung Linggo.
Punung-puno ng fans at sa huling ulat, umabot ng 25,248 ang nanood. Akala mo, Taylor Swift concert.
Binura nito ang previous UAAP attendance record na 25,192 sa Game 3 ng finals last year kung saan tinalo ng La Salle ang UP.
Rematch at revenge this time.
Iba talaga ang college basketball dahil school-based. Full support ang students at ang mga alumni.
Sa PBA, dehins lahat ng teams, may solid fan base. Namimili ang fans. Kung Ginebra vs Magnolia, maraming tao. Pero kung Blackwater vs Phoenix, lawa.
Kahit sa finals, depende pa rin kung sino ang papasok.
Kaya nung Linggo, hati ang Araneta Coliseum. Either naka maroon and black or naka green and white.
Nanalo ang UP Maroons para sa kanilang second title in four years, and third since 1989 nung nanalo sila ng first title sa pangunguna ni Benjie Paras, Eric Altamirano and Ronnie Magsanoc under coach Joe Lipa.
Congrats, UP!