Batang Pier ‘di papaawat sa Phoenix Fuel Masters

Lalabanan ng Batang Pier ang Fuel Masters nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­tapos ang banggaan ng NLEX Road Warriors at Converge FiberXers sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang pinakamahabang winning streak sa kanilang franchise history ang susu­bukang mailista ng mainit na NorthPort sa pagsagupa sa Phoenix sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Batang Pier ang Fuel Masters nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­tapos ang banggaan ng NLEX Road Warriors at Converge FiberXers sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bumabandera ang NorthPort bitbit ang mata­yog na 5-0 record, habang wala pang panalo ang Phoenix sa apat nilang laro.

Sa 108-101 pagtakas ng Ba­tang Pier sa Fiber­Xers sa huli nilang laro ay nag­pa­putok si Fil-Am guard Jo­shua Munzon ng career-high 30 points.

“I just had the confidence in myself in taking shots and told my teammates let me take them. I’m happy they went in and we got the win,” sabi ni Mun­zon.

Humakot naman si import Kadeem Jack ng 32 mar­kers at 15 rebounds.

Nauna na nilang tinalo ang NLEX (3-2), Terrafirma (0-5), Magnolia (1-3) at TNT Tropang Giga (1-2).

Pipilitin naman ng Fuel Masters na makasampa sa win colum matapos matalo sa guest team Eastern (4-1), Meralco (3-1), nagdedepensang San Miguel (3-2) at Barangay Ginebra (2-0).

Sa unang laro, mag-u­u­nahan namang makaba­ngon mula sa nalasap na ka­biguan ang FiberXers (3-2) at Road Warriors.

Yumukod ang Converge sa NorthPort, 101-108, habang talo ang NLEX sa Ginebra, 100-109.

“Kailangan makapag-pon­do kami ng wins to make the playoffs,” sabi ni FiberXers’ coach Franco Atienza sa quarterfinals na binubuo ng top eight teams matapos ang 12-game eli­minations.

Napurnada ang PBA debut ni No. 1 overall pick Justine Baltazar sa kabigu­an nila sa Batang Pier.

Tumapos ang 6-foot-9 na si Baltazar na may 5 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal sa loob ng 20 minuto niyang paglalaro.

“For sure may na-gain na siya from the last game namin and we are trying our best to adjust our pla­yers with him and him with us. So far so good,” wika ni Atienza kay Baltazar na dating Gilas Pilipinas member.

Show comments