Giannis hataw ng TD sa panalo ng Bucks

MILWAUKEE — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 42 points, 12 rebounds at 11 assists sa 124-114 pagsuwag ng Bucks sa Washington Wizards.

Hindi naglaro si Antetokounmpo sa nauna nilang 106-103 NBA Cup victory sa Miami noong Martes dahil sa namamagang kaliwang tuhod.

Nag-ambag si Damian Lillard ng 25 points at 10 assists habang may 18 mar-kers si Brook Lopez para sa ikaanim na sunod na ratsada ng Milwaukee (10-9).

Humataw si Jordan Poole ng 31 points at nagtala si Malcolm Brogdon ng 29 points at 11 rebounds para sa Wa-shington (2-16) na bagsak sa ika-14 dikit na kamalasan.

Hindi naglaro si Kyle Kuzma dahil sa kanyang sprained left rib para sa Wa-shington na nakadikit sa 103-105 bago naghulog ang Milwaukee ng isang 10-0 bomba para selyuhan ang panalo.

Sa Phoenix, umiskor si Devin Booker ng 27 points habang may 21 markers si Kevin Durant para sa 113-105 pagtusta ng Suns (11-8) sa Golden State Warriors (12-7).

Sa Salt Lake City, nagposte si Kyrie Irving ng 30 points at may 24 markers si Quentin Grimes sa 106-94 pagdaig ng Dallas Mavericks (12-8) sa Utah Jazz (4-15).

Sa Detroit, bumira si Tyrese Maxey ng 28 points sa 111-96 panalo ng Philadelphia 76ers (4-14) sa Pistons (9-13).

Show comments