3rd ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series Manila kasado na

MANILA, Philippines — Pamamahalaan ng Lungsod ng Manila ang 3rd ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series Manila na inihahandog ng AIA sa Sabado at Linggo sa Rizal Park.

Nakalatag sa event ang 5K, 10K, 21K at 42K ca­tegories para sa mga marathon at half-marathon runners.

Pakakawalan ang international event sa alas-10 ng gabi tampok ang higit sa 9,000 partisipante mula sa 58 bansa.

“With music and Manila’s iconic landmarks, this is a celebration of the city – its resilience, history and aspirations for the future,” ani Princess Galura, ang general manager at regio­nal director ng nag-organi­sang IRONMAN Group Philippines, kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Robinson’s Place Manila.

Iilawan ang mga kalsada ng Maynila para sa karerang magsisimula sa KM 0 at dadaan sa Intramuros, National Museum, Jones Bridge at Chinatown at magtatapos sa Quirino Grandstand.

Dumalo rin si Manila Vice Mayor Yul Servo sa formal kickoff ng event kasama sina Melissa Henson, ang chief marketing officer ng AIA Philippines; Charlie Dungo ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila; at Rustica Faith So, ang Senior Brand Communications Executive ng ASICS.

Nagbigay si Shina Bu­xani ng ASICS ng isang videotaped message sa PSA Forum na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at 24/7 sports app Arena Plus.

Show comments