Tres ni Tatum nagtakas sa Celtics sa OT vs Raptors

Ang buzzer- beating triple ni Jayson Tatum ng Celtics sa overtime kontra kay Ochai Agbaji ng Raptor.

BOSTON --

Tumapos si Tatum na may 24 points at 11 rebounds para sa Boston (11-3) at may 27  si Jaylen Brown.

Bagsak ang Toronto (2-12) sa pang-pitong dikit na kamalasan bagama’t nakahugot ng career-high 35 points kay Jakob Poeltl bukod sa 12 rebounds.

Nag-ambag si RJ Barrett ng 25 points at 10 rebounds.

Tabla sa 123-123 sa overtime, sinupalpal ni Neemias Queta ang layup ni Barrett sa posesyon ng Raptors na nagbalik ng bola sa Celtics sa natitirang 20.2 segundo.

Kasunod nito ang buzzer-beating triple ni Tatum.

Sa Charlotte, bumanat si LaMelo Ball ng 26 points sa 115-114 pag-eskapo ng Hornets (5-7) sa Milwaukee Bucks (4-9) at sayangin ang unang triple-double ni G­iannis Antetokounmpo sa season.

Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 31 points at 14 rebounds sa 104-99 paggupo ng Los Angeles Lakers (9-4) sa Pelicans (4-10).

Sa Dallas, umiskor sina Kyrie Irving at Daniel Gafford ng tig-22 points sa 110-93 panalo ng Mavericks (6-7) sa Victor Wembanyama-less San Antonio Spurs (6-8).

Sa Sacramento, naghulog si point guard De’Aaron Fox ng 49 points para banderahan ang Kings (8-6) sa 121-117 pagpapabagsak sa Utah Jazz (3-9).

Show comments