Diretsong Otso sa Cavs

Isinalpak ni Darius Garland ang triple para sa pagtakas ng Cavaliers kontra sa Bucks.

CLEVELAND — Nagpaputok si Darius Garland ng 39 points para banderahan ang Cavaliers sa 116-114 pag-eskapo sa Milwaukee Bucks at iposte ang best record sa regular season.

Ipinasok ni Garland ang isang go-ahead three-point shot sa huling 45 segundo at nag-ambag si Evan Mob­ley ng 17 mar­kers para sa 8-0 kartada ng Cleveland na huli nilang naitala noong 1976.

Naglaro ang Milwaukee (1-6) na wala si injured superstar Giannis Anteto­kounmpo.

Kumolekta si Jarrett Allen ng 14 points at 15 rebounds para sa Cavaliers at sinupalpal ang tira ni Damian Lillard sa huling mga segundo sa panig ng Bucks.

Tumapos si Lillard na may 36 points.

Sa Atlanta, naglista si Jayson Tatum ng 28 points sa 123-93 paggiba ng nagdedepensang Boston Cel­tics (7-1) sa Hawks (3-5).

Sa Detroit, humakot si Cade Cunningham ng triple-double na 17 points, 11 rebounds at 11 assists sa 115-103 paggulat ng Pistons (3-5) sa Los Angeles Lakers (4-3).

Sa Washington, kuma­big si Stephen Curry ng 24 points sa kanyang pag­babalik mula sa ankle injury sa 125-112 pagdaig ng Golden State Warriors (6-1) sa Wizards (2-4).

Sa Oklahoma City, umiskor si Jalen Williams ng 23 points at may 21 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 102-86 pagpapatumba ng Thunder (7-0) sa Orlando Magic (3-5).

Show comments