Para sa akin, dalawa ang best imports dito sa PBA Governors’ Cup.
Yes, isa lang dapat ang best. Pero tama man o mali, dalawa sila.
Si Rondae Hollis-Jefferson ng defending champion TNT at si Justin Brownlee ng Ginebra ang naglaban para sa award.
Parehong NBA caliber bagama’t dehins umabot sa mother of all basketball leagues si Brownlee.
Si RHJ naman, naka-six seasons sa Brooklyn, Toronto at Portland. Iisa ang kilos nila, meaning, iisa ang category.
Super imports.
Pero ‘nung Linggo, si RHJ ang tinanghal na Best Import. Second award na ng 29-anyos sa PBA.
Tahimik lang si Brownlee, 36, na may tatlong Best Import awards na dito sa atin. Magnanimous in defeat ang batang Ginebra at Gilas player.
In fact, kung pwede lang daw siya bumoto, si RHJ mismo ang iboboto niya.
Game 5 ng best-of-seven series ngayon sa Araneta. Tabla ang TNT at Ginebra, 2-2.
I’m sure buhos todo ang dalawang imports sa remaining games ng serye – two more or three more.
Sino kaya sa kanila ang tatanghaling champion?
Isa lang ‘yan.