Triple-double ni Jokic gumiba sa Nets

Tinirahan ni Nuggets’ center Nikola Jokic si Dorian Finney-Smith ng Nets.
STAR/File

NEW YORK -- Ku­molek­ta si Nikola Jokic ng triple-double na 29 points, 18 rebounds at 16 assists para igiya ang Denver Nuggets sa 144-139 overtime win sa Brooklyn Nets.

Umiskor sina Jamal Murray at Aaron Gordon ng 24 points para sa Nuggets (2-2) at nag-ambag si Russell Westbrook ng 22 markers.

Naglista si Dennis Schroder ng 28 points para sa Nets (1-3) na nagposte ng 17-point lead sa second quarter habang may 26 at 20 markers sina Cam Thomas at Cam Johnson, ayon sa pagkakasunod.

Ibinigay ni Thomas sa Brooklyn ang 127-125 abante sa overtime bago humataw ang Denver ng 8-0 atake patungo sa kanilang panalo.

Sa Minneapolis, humugot si Kyrie Irving ng 16 sa kanyang 35 points sa third quarter at kumolekta si Luka Doncic ng 24 points, 9 assists at 8 rebounds sa 120-114 pagdaig ng Dallas Mavericks (3-1) sa Minnesota Timberwolves (2-2).

Binanderahan ni Anthony Edwards ang Timberwolves sa kanyang 37 points tampok ang pitong three-point shots.

Sa New York, humakot si Domantas Sabonis ng 28 points at 11 rebounds habang may 19 markers si De’Aaron Fox sa 113-96 panalo ng Sacramento Kings sa Utah Jazz.

Sa San Francisco, nagpaputok si Buddy Hield ng season-best 28 points at nag-ambag si Brandin Podziemski ng 19 markers para gabayan ang Golden State Warriors (3-1) sa 124-106 paggupo sa New Orleans Pelicans (2-2).

Show comments