Shooting, running tatalakayin sa PSA

Rizal Memorial Sports Complex.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines —  Ang shooting at running ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Bibisita si Philippine Na­tional Shooting Associa­tion (PNSA) secretary-ge­neral Irene Garcia para ta­lakayin ang Southeast Asian Shooting Association Championships na naka­takda sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 14.

Ilalahad naman ni Nicole Dela Cruz ang ma­ta­gumpay na pagdaraos ng Women’s Run PH event sa UP Diliman at ang susunod nitong leg sa Iloilo sa Nob­yembre 10.

Magsismula ang ses­yon sa alas-10:30 umaga na inihahandog ng San Mi­guel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at 24/7 sports app Arena Plus.

Ang lingguhang PSA Forum ay re­gular na na­ka-livestream sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isinasaere sa Radyo Pilipinas 2.

Show comments