Nagkatotoo ang hula

Ginebra at TNT ang maghaharap sa PBA Governors’ Cup best-of-seven finals.

Parang Steven Spielberg na pelikula. Puno ang sinehan.

Ang ganda ng matchups. Justin Brownlee vs Rondae Hollis-Jefferson. Tim Cone vs Chot Reyes. MVP Group vs RSA Group.

Kumbaga sa boxing, Pacquiao vs Mayweather.

Nauna pumasok sa finals ang defending champion TNT matapos talunin ang Rain or Shine. Then sumunod ang Ginebra kontra San Miguel.

Anim na beses na nagharap sa finals sila Cone at Reyes. At even ang laban, 3-3. Kumbaga, Game 7 ng mga coaches.

Para siguraduhin na fresh legs ang mga players, sa Linggo pa ang Game 1 sa Ynares Center. Sa tingin ko, teritoryo ito ng Ginebra.

Dahil tuwing may game sila doon, halos mapuno ang venue. Pag first game nga daw ang Ginebra, nanga­ngalahati ang crowd para sa second game.

In short, homecourt ng Gin Kings ang Ynares Center.

Tayo na sa Antipolo.

Show comments