La Salle, NU basagan sa SSL volley

The Lady Spikers dominated the Lady Warriors, 25-21, 25-18, 25-10.

MANILA, Philippines — Magku-krus agad ng landas ang magkaribal na eskuwelahan sa UAAP na De La Salle University at National University sa second round ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na aarangkada ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.

Lumanding sa Pool E ang defending champion Lady Bulldogs, (4-0) at Lady Spikers, (3-0) matapos nilang manguna sa Pool A at Pool C, ayon sa pagkakasunod, nakatakda silang magpaluan ngayong alas-5 ng hapon.

Kasama ng NU at DLSU sa grupo ang University of the East at College of Saint Benilde sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Round robin ang playoffs kung saan nakataya ang twice-to-beat advantage sa bawat grupo na nahati sa dalawa pagkatapos ng first round eliminations.

Parehong pakay ng three-peat-seeking Lady Bulldogs at Lady Spikers na manatiling malinis ang kanilang karta pero isa lamang sa kanila ang puwedeng matupad ang asam.

Winalis ng Lady Bulldogs ang Lady Spikers sa winner-take-all final nila sa 2022 edition ng nasabing kompetisyon na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Li­ner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Napanalunan ng La Salle ang 2023 National Invitationals kung saan ay hindi nakasali ang NU dahil sa national team commitments.

Hindi naman pumalo ng bola ang Lady Spi­kers sa second staging ng Collegiate Pre-season Championship nakaraang taon at itong 2024 National Invitationals na parehong sinakmal ng Lady Bulldogs ang korona.   

Show comments