The Return

Saan kaya ang bagsak ni Troy Rosario?

‘Wag siguro bagsak. Parang negative. Mas maganda sigurong tanong eh, saan ang punta ni Troy?

Matapos i-trade ng TNT sa Blackwater ‘nung 2022, akala ng marami eh tapos na ang PBA career ng dating NU Bulldog.

Isipin mo nga naman, from champion team to, ehem, non-champion.

Bumagsak kasi ang laro ni Troy. Personal matters ang dahilan. At bagama’t gusto niya bumawi, pinakawalan siya ng TNT.

Ang sabi, medyo nagtampo si Troy.

Pero habang nasa Blackwater, nag-pursigi si Troy. At kahit dehins umabot sa playoffs, bumalik ang laro niya.

Kaya ngayon na expire na ang contract niya, inope­ran siya ng malaki ng Blackwater. Over sa maximum. At kasama ang bonuses at under the table, baka daw umabot ng P900,000 per month ang offer.

Pero dehins kumagat si Troy. Free agent na siya. Walang hadlang. Baka mapunta pa sa SMC Group – either San Miguel or Ginebra.

Well, may chika din na nag-set ng meeting ang TNT kay Troy at sa kanyang manager, si Boss Danny.

Gusto kaya siya pabalikin ng TNT?

Show him the money!

Show comments