Parang kanta ng Beatles, “When I’m Sixty-Four.”
Pero dito, starring George King, ang Blackwater import na umiskor ng 64 points nung Lunes kontra Rain or Shine.
Nanalo ang Blackwater, 139-118, para sa 5-5 record sa PBA Governors’ Cup. Kaso, dehins ito sapat para umabot sa playoffs.
Ibig sabihin, pwede na umuwi ang 30-year-old import, isang second-round draftee ng Phoenix Suns sa NBA noong 2018.
Nag-showtime si King. Dehins sumablay sa 20 free throws at 18-of-35 sa field. Tumira ng walong beses sa four-point area at pumasok ang tatlo. Not bad.
Sayang, dahil masarap panoorin si King. High-caliber import at ngayon pa lang eh baka magsimula na makatanggap ng offers from other PBA teams.
Ang sabi naman ng Blackwater owner na si Dioceldo Sy, dehins nila papakawalan si King. Gagawin daw nilang resident import at kahit na 6’5 lang ang height eh baka isabak nila sa conference na pwede ang 6’10 imports or taller.
Ganun kagaling. Mala Justin Brownlee.
Ang balita eh interesado raw maging naturalized player si King para sa Gilas Pilipinas.
‘Yan ang tipong ginagawang naturalized player.
Ano pang hinihintay n’yo?