Super paldo

Huli man daw pero kung P10 million eh naihahabol din.

Yes, humabol pa ang ICTSI, ang international port services sa mga pier natin, at nagbigay ng malaking bonus kay Carlos Yulo.

Kumbaga, last but not the least.

Akala siguro ng double-gold winner sa Paris Olympics eh tapos na ang gift-giving after ng kanyang historic na panalo last month.

‘Yun pala, meron pa at dehins barya. Tumataginting na P10 million from Mr. Ricky Razon.

Malamang, sa bank account ni Yulo ang diretso ng pera. Wala na kailangan bilhin eh.

May condo na siya mula Megaworld at house and two lots sa Tagaytay mula kay POC president at Mayor Bambol Tolentino.

This week, nakuha na din ni Yulo ang higanteng Toyota Prado Land Cruiser na baka P5 million ang halaga mula sa Toyota Phils.

Sa cash bonus, pumalo na siguro ng P70 million ang nakuha ni Yulo na hanggang ngayon yata eh mailap pa sa kanyang mga magulang.

In short, super paldo si Yulo. Ewan ko kung ano pa ang mahihingi niya sa buhay.

Peace of mind kaya?

Show comments