MANILA, Philippines — Nagsimula na ang pagpapatayo sa isang seven-story athletes’ dormitory at training facility sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony kahapon.
Ang dating boxing at pencak silat training site ang magsisilbi sa mga national athletes tampok ang isang advanced training gyms para sa boxing at pencak silat athletes na naging posible dahil kay Sen. Pia Cayetano.
“This dormitory will serve as their second home away from their respective families while chasing to build a legacy for the Philippines,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann.
Sa groundbreaking ceremony ay binalikan ni Sen. Cayetano ang kanyang pagiging dating national athlete para sa volleyball at nangarap na makatulong sa Philippine sports bilang isang lawmaker.
“It takes a village to raise an athlete,” wika ng Senadora.
Bilang simbolo ng pagsisimula ng project ay nagbaon ng time capsule sina Sen. Cayetano at Bachmann kasama sina PSC Commissioners Walter Torres at Olivia ‘Bong’ Coo at iba pang PSC officials; District Engineer Manny Bulusan ng Department of Public Works and Highways at Philippine long jump queen Elma Muros-Posadas
Samantala, ikinatuwa ng mga atleta ang pagpapatayo ng dormitory at training facilities sa loob ng RMSC.