Warriors ‘di bibitawan si Curry

SAN FRANCISCO — Pa­tuloy na maglalaro si star guard Stephen Curry para sa Golden State Warriors hanggang sa 2026-27 season.

Ito ay matapos papirmahin ng Warriors ang 36-anyos na si Curry sa isang one-year extension na nagkakahalaga ng $62.6 milyon.

Si Curry ang ikaapat na NBA player, kasama sina LeBron James, Paul George at Kevin Durant, na lumampas ang career earnings sa $500 milyon.

May natitira pang dalawang taon si Curry sa ni­lagdaan niyang four-year, $215.4 million contract noong Agosto ng 2021.

Si Curry ay isang four-time NBA champion, 10-time All-Star, two-time MVP, one-time Finals MVP at Olympic gold medalist.

Show comments