Pilipinas Born 2004 swak sa PSL Global Challenge semis

MANILA, Philippines — Dumiretso sa semifinal round ng PSL Global Championship Challenge ang Pilipinas Born 2004, kinakatawan ng Davao-NTB Wolves, matapos iposte ang ikatlong sunod na panalo.

Pinabagsak ng Pilipinas Born 2004 ang Italy-Filcom Basketball Association, 76-49, para ilista ang 3-0 record kahapon sa Victoria Sports Club sa Quezon City.

Umiskor si Shaun Grava ng 13 points habang nagdagdag sina Jaylord Pepito at Gab Pasaol ng 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Humakot si Shinrae Man­save ng 10 points at 11 rebounds para sa Pilipinas Born 2004.

Humugot ang mga Pinoy cagers ng 30 points mula sa kabuuang 23 turnovers ng mga Italians.

Nagdomina rin ang Pilipinas Born 2004 sa shaded lane sa hinakot na 54 points kumpara sa 14 markers ng Italy-Filcom Basketball Association.

Samantala, pinatumba ng Pilipinas-Cebu ang New Zealand-Fil Nation Select NZ, 89-35, sa Born 2006 division.

Show comments