Boring

May haka-haka o chika na dehins na happy si Vic Manuel sa San Miguel Beer.

Pero dehins pa niya diretsuhan sinabi na gusto na niya umalis.

Puro pahapyaw.

Ang siste, dehins masaya si Vic sa bench as in bangko.

Fully recovered na sa injury si Vic pero sa huling Phi­lippine Cup finals kontra Meralco, minsan lang pinasok si Vic. Wala siya sa rotation ni coach George Gallent.

Sayang dahil kung sa ibang team at Philippine Cup, starter si Vic.

Kaso, nasa SMB siya. Madaming magaling. At kung hindi siya tumayo or magunat pag timeout eh baka buong game, dehins siya mapansin ni coach.

At 37, nasa fourth quarter na ng PBA career si Vic matapos ma-draft nung 2012 at maglaro para sa GlobalPort, Merelco, Air 21, Alaska at Phoenix bago kinuha ng SMB nung 2021.

Dehins pa expired ang contract ni Vic sa SMB pero kung ayaw na niya, pwede din naman siya magpaalam ng mahusay.

Sa tingin ko, ayaw ni Vic matapos ang career niya sa bench.

Malamang, sa MPBL ang bagsak ng batang Nueva Ecija.

Doon, babad siya.

Show comments