Enjoy lang!

May bago na ba tayong national sport?

Naungusan na ba ng women’s volleyball ang men’s basketball?

‘Yan ang mainit na katanungan ngayon.

Bakit kamo? Eh base sa gate attendance ng mga huling games ng women’s volleyball sa PVL at UAAP, parang magnet at ginayuma ang fans.

Babae, lalaki, bata, matanda nasa volleyball games.

Last Sunday, nag-champion ang Creamline sa PVL All-Filipino Conference. Tinalo nila ang Choco Mucho in two games na parehong dinumog ng fans.

Mahigit 23,000 ang nanood ng Game 2. All seats taken sa Araneta Coliseum.

Samantala, nilaro ang PBA Philippine Cup quarterfinals sa lumang Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz.

Small venue. Small crowd.

Pero ang tanong: na-overtake na ba talaga ng volleyball ang basketball dito sa atin?

Sa akin, dehins. Kahit na patok ang volleyball ngayon, basketball pa din ang national sport natin.

Just sit back, relax and enjoy the games.

Show comments