MANILA, Philippines — Bigo sina Fil-Americans Lauren Hoffman, Kristina Knott at Eric Cray na makuha ang qualifying standard para sa 2024 Paris Olympic Games.
Nagsumite si Hoffman ng bilis na 55.92 segund para pagreynahan ang women’s 400 meters sa 2024 Philippine Athletics Championships sa Philsports Track and Field Oval sa Pasig City.
Ngunit kapos ito sa Olympic qualifying standard na 54.85 segundo.
Tumipa naman si Knott ng 11.27 segundo sa women’s 100m, ngunit mabagal sa qualifying time na 11.07 segundo.
Katulad nina Hoffman at Knott. minalas di si Cray na makuha ang Olympic standard time sa men’s 400m hurdles sa kanyang tiyempong 50.51 segundo.
Ang Olympic standard time ay 48.70 segundo.
Sa kabila ng mga kabiguan ay sasalang pa rin sina Hoffman, Knott at Cray sa mga international tournaments bago ang July 30 deadline.
Tanging si World No. 2 pole vaulter Ernest John Obiena pa lamang ang may tiket para sa Paris Games sa athletics.
Ang iba pang mayroon nang Olympic berth sa kanilang mga events ay sina gymnasts Caloy Yulo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar, boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas, fencer Samantha Catantan, weighlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza at rower Joanie Delgaco.