‘Twice-to-beat’ pakay ng SMB sa Magnolia

CJ Perez (77) had a performance of a lifetime for San Miguel.
PBA Images

MANILA, Philippines — Itatagay ng San Miguel ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat incentive’ sa quarte­final round ng Season 48 PBA Philippine Cup.

Makakatapat ng Beermen ang Magnolia Hotshots ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang laban ng Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Solo ng San Miguel ang liderato bitbit ang 7-0 record kasunod ang Magnolia (5-2), Barangay Ginebra (6-3), NLEX (5-3), TNT Tro­pang Giga (5-4), Rain or Shine (5-5), Terrafirma (5-5), NorthPort (4-6), Blackwater (3-5), Meralco (3-5), Phoenix (3-6) at sibak nang Converge (1-8).

Nagmula ang Beermen sa 120-100 pagmasaker sa Batang Pier, habang umiskor ang Hotshots ng 108-102 panalo sa Elasto Painters.

“I always say this - if we share the ball, we’re a great team. If we don’t, we’re a normal team,” sabi ni SMB coach Jorge Gallent.

Sumasakay ang Magnolia ni mentor Chito Victo­lero sa isang four-game winning streak matapos ang 1-2 panimula.

Sina seven-time PBA MVP JUne Mar Fajardo, CJ Perez, Terrence Romeo, Mo Tautuaa at Marcio Lassiter ang muling babandera sa Beermen kontra ki­na Ian Sangalang, Mark Bar­roca, Paul Lee, Aris Dio­niosio at Calvin Abueva ng Hotshots.

Sa unang laro, mag-uu­nahan ang Meralo at Phoenix na makabangon mula sa kabiguan para buhayin ang tsansa sa quarterfinals.

“Kung sino manalo, may chance talaga para uma­ngat,” ani Bolts’ coach Luigi Trillo sa pagharap nila sa Fuel Masters na nasa four-game losing slump.

Show comments