Yulo sasabak sa training camp sa France

MANILA, Philippines — Magsasanay si world champion Carlos Yulo ng isang buwan sa France bago sumabak sa darating na 2024 Olympic Games sa Paris, France sa Hulyo.

Ito ang inihayag ni Yulo matapos ang matagumpay na kampanya nito sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series Doha Leg na ginanap sa Doha, Qatar.

Tutulak si Yulo sa Metz, France para doon sumalang sa pukpukang training camp.

Sa Metz training venue ay gagamitin ni Yulo ang mga eksaktong equipment na gagamitin din sa Paris Olympics, kaya naman magandang pagkakataon ito para mahasa siya sa mga pasilidad sa Paris Games.

Show comments