Pacers pinalubog ang Thunder

INDIANAPOLIS —  Kumamada si Pascal Siakam ng 21 points habang may 17 markers si Aaron N­esmith para igiya ang Indiana Pacers sa 126-112 demolisyon sa Oklahoma City Thunder.

Ito ang pang-siyam na panalo ng Pacers (44-34) sa huli nilang 14 games.

Nagposte si All-Star Tyrese Haliburton ng 11 assists para sa kanyang ika-714 na sumira sa s­ingle-season record na 713 na itinala ni Mark Jackson noong 1997-98.

Tumipa si Lu Dort ng 22 points para sa Thunder (52-25) na nakikipag-agawan sa top spot sa Western Conference.

Naglaro ang Oklahoma City na wala sina injured All-Star Shai Gilgeous-A­­le­xander at second-leading scorer Jalen Williams na sinamantala ng Indiana para itayo ang 100-89 abante sa third period.

Sa Boston, umiskor si Payton Pritchard ng 21 points, tampok ang limang 3-pointers, sa 101-100 paglusot ng NBA-leading Celtics (61-16) sa Sacramento Kings (44-33).

Sa Milwaukee, bumira si Gary Trent Jr. ng 31 points sa 117-111 panalo ng Toronto Raptors (24-53) sa Bucks (47-30).

Sa Dallas, ipinasok ni P.J. Washington ang isang tiebreaking layup sa huling 4.5 segundo sa 108-106 pag-eskapo ng Mavericks (47-30) sa Golden State Warriors (42-35).

Show comments