Dirty finger

One-game suspension at P20,000 fine.

‘Yan ang hinampas ni PBA commissioner Willie Marcial kay Calvin Abueva matapos itong makunan ng camera na naka-dirty finger sign sa fans.

Nataon pa na sa harap ng artistang si Zanjoe Marudo ito ginawa ni Abueva.

Wala sigurong kinalaman ‘yun pero dabarkads ni Kume si Zanjoe na nakaupo sa VIP row kung saan natumba ang Magnolia player.

Game kontra Ginebra nangyari ang incident.

At habang patayo si Abueva, napansin niya siguro ang taartits sa harap niya ang isang kasama nito na nakangiti.

Pero imbes na palampasin, sumimple ng dirty finger si Abueva.

Caught on camera.

Kaya ‘yun. Nagpaliwanag si Abueva sa presinto – este sa commissioner.

Two months ago, na-fine si Abueva ng P100,000 dahil sa below-the-belt na ginawa niya kay SMB coach George Gallent.

Tinukso ni Abueva si Gallent na bulag sa isang mata. Foul ‘yun sa taong may kapansanan.

At eto naman ang latest episode.

Matindi ang warning ni Kume: Isa pa at malilintikan ka.

Abangan.

Show comments