MANILA, Philippines — Itutuloy ng nagdedepensang EcoOil-La Salle ang ratsada sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup.
Haharapin ng Green Archers ang Centro Escolar University Scorpions ngayong alas-7:30 ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Dalawang sunod na panalo ang ipinoste ng DLSU bago ang break ng torneo dahill sa 2024 PBA All-Star Weekend sa Bacolod City at Holy Week.
“It will be harder and harder against every team. We still have to learn how to play better basketball despite our two wins,” sabi ni Green Archers’ assistant coach Caloy Garcia sa pagsagupa nila sa Scorpions.
Sa alas-4:30 ng hapon ay maglalaban ang Keanzel Basketball at CCI-Yengskivel.