Showtime

Parehong overweight si Eumir Marcial at ang kanyang kalaban from Thailand na si Thoedsak Sinam.

Matuloy lang ang laban, pumayag na sila. Tumimbang na 165 pounds si Marcial at 168 si Sinam. Lampas sa pinagkasunduan na limit na 164 pounds.

Pero non-title fight. Nothing at stake sa eight-rounder na scheduled kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Part lang ito ng Pacquiao-Elorde Awards Night mamaya sa Okada Hotel. Part rin ng preparations ni Marcial para sa Paris Olympics sa July.

At dahil ang timbang ni Marcial sa Olympics ay 80kg or 176.4 pounds, pumayag siyang  labanan ang mabigat na Thailander.

Mabuti na rin, sabi ng matchmaker at MP Promotions president na si Sean Gibbons, para makatikim si Marcial ng mabigat na kalaban.

Bilang professional, 4-0 si Marcial, ang bronze medalist natin sa Tokyo Olympics noong 2021, at 23-13 ang record ni Sinam na may 19 knockouts.

Sa Rizal Memorial Sports Complex ginanap ang official weigh-in last Friday. Sa tindig pa lang ng dalawang boxers, instant favorite si Marcial.

Mas matangkad ang manok natin at kahit mas magaan sa timbang, mas maganda ang hugis ng katawan. Kulang sa muscle ang Thailander.

Dehins mukhang boxer.

“Parang waiter,” ang sabi ng isang boxing expert.

Let’s see.

Show comments