Tigers, Capitals, Kings swak sa PSL q’finals

MANILA, Philippines — Dinispatsa ng Nueva Ecija, Davao Occidental at San Juan ang kanilang mga karibal papasok sa quarterfinals ng PSL President’s Cup kamakailan sa Paco Arena.

Tinalo ng Nueva Ecija ang Manila, 89-77, habang dinomina ng Davao Occidental ang MisOr, 92-78, at giniba ng San Juan ang Cam Norte, 122-81.

Haharapin ng Capitals ng Nueva Ecija ang Tigers ng Davao Occidental sa quarterfinals, samantalang lalabanan ng Knights ng San Juan ang mananalo sa knockout game ng JT Bulacan at SGA St. Benilde.

Sumandal ang Nueva Ecija kina Will McAloney, Rob Celiz at Michael Juico para talunin ang Manila.

Umiskor si McAloney ng 15 points at nag-ambag sina Celiz at Juico ng 14 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

“We’re still trying to improve as a team,” sabi ni coach Don Dulay. “I just took over recently, but It doesn’t matter who we play, whether Davao, San Juan, because we’re trying to improve what we need to improve, which is defense.”

Sabik naman na makaharap ni Davao Occidental coach Manu Iñigo ang kanyang dating mga kasama na kasalukuyang miyembro na ng Capitals.

“Every possession, lalaban talaga kami dyan,” wika ni Iñigo. “We’re very excited na makatapat iyan kasi galing sa amin iyong grupo na iyan, mga kaibigan ko mga coaches dyan. Challenging para sa amin, pero we will prepare.

Show comments