Celtics dinispatsa ang Embiid-less 76ers

BOSTON — Bumira si Jaylen Brown ng 31 points para akayin ang NBA-leading Celtics sa 117-99 paggupo sa Philadelphia 76ers at iposte ang kanilang pang-siyam na sunod na arangkada.

May 29 markers si Jayson Tatum kasama ang 15 sa fourth quarter para sa ika-25 sunod na home win ng Boston (46-12) laban sa kanilang mga Eastern Confe-rence opponents.

Nanalo sila sa Philadelphia (33-25) bagama’t nagtala ng mahinang 5-of-22 shooting sa 3-point line bukod sa 14 turnovers.

Humataw naman ang Celtics ng 64 points sa second half kumpara sa 48 markers ng 76ers na nadomina sa rebounding, 28-56.

Binanderahan ni Tyrese Maxey ang Joel Embiid-less Philadelphia sa kanyang 32 points.

Sa Cleveland, isinalpak ni Max Strus ang isang 59-footer sa pagtunog ng final buzzer sa 121-119 pagtakas ng Cavaliers (38-19) sa Dallas Mavericks (33-25).

Sa Minneapolis, humataw si Anthony Edwards ng 34 points sa 114-105 panalo ng Minnesota Timberwolves (41-17) sa San Antonio Spurs (11-48).

Sa Portland, umiskor si Jimmy Butler ng 22 points at may 19 markers si Terry Rozier sa 106-96 paggupo ng Miami Heat (33-25) sa Trail Blazers (15-42)

Show comments