MMA sa TOPS Usapang Sports

MANILA, Philippines — Usapang mixed martial arts ang bibigyan ng makabuluhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Confe­rence room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Magbibigay ng kanilang mga pananaw at programa sa sports na kinagigiliwan hindi lang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo sina Ferdinand Munsayac, Chief Executive Officer ng UGB at Nelito ‘Tito Nel’ Talavera ng Blaze FC.

Magsisimula ang programa sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sa ganap na alas-10:30 ng umaga.

Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng PSNgayon /PM Pang Masa ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa opisyal na Facebook page TOPS Usapang Sports, Bulgar Facebook page at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile apps network na librreng mada-download sa inyog mga mobile phone.

Show comments