MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-60 anibersaryo ay pararangalan ng MILO si World No. 2 pole vaulter EJ Obiena sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night.
Igagawad sa 28-anyos na si Obiena ang ‘Gold, Grit, and Glory Award’ sa Enero 29 sa grand ballroom ng Diamond Hotel.
Ang nasabing award ay ikatlong ibibigay sa produkto ng University of Santo Tomas bukod sa Athlete of the Year at pamumunuan ang iba pang atletang tatanggap ng citations mula sa sports writing fraternity na pinangungunahan ni Nelson Beltran, ang sports editor ng The Philippine Star.
Ang traditional awards night ng 75-year-old media organization ay inihahandog ng ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa, kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Cignal at PLDT/Smart bilang major sponsors katuwang ang Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, ang 1-Pacman Partylist ni Rep. Mikee Romero at ng Rain or Shine.