Halos mahulog ako sa upuan nang malaman ko kung magkano ang sahod ni coach Erik Spoelstra sa Miami Heat.
Tumataginting na $120 million for eight years ang pinirmahan.
Contract extension para sa 53-year-old na Fil-American. Tubong San Pablo, Laguna ang nanay ni Spo.
Ibang klase talaga sa NBA. Mantakin mo, P6.72 billion for the next eight years or equivalent to P837,000,000 per year.
Kada buwan, sasahod siya ng P69,000,000 or sa tuwing gigising siya sa umaga, halos P2.3 million ang papasok sa bank account niya.
Parang tumama ng lotto -- araw-araw.
Sa PBA, kahit pagsama-samahin mo ang sahod ng lahat ng 12 coaches pati na ang mga assistants nila, dehins aabot sa sahod ni Spo.
Ang balita ko, may sikat na PBA coach na sumasahod ng P800,000 a month minus bonuses.
Pero mabalik tayo kay Spo, mukhang forever na siyang coach ng Miami.
Ika-29th season na niya ito sa team kung saan nagsimula siya as videographer or sa video room. Pero masinop, naging assistant coach then head coach noong 2008.
Nakatikim na ng tatlong NBA titles.
Noong bata-bata pa siya, nangarap maglaro sa PBA si Spo pero dehins natuloy.
Ang kapalaran nga naman.