AFAD sa MOA ngayon

MANILA, Philippines — Aarangkada ngayong araw ang 29th Defense and Sporting Arms Show na inorganisa ng Associa­tion of Firearms and Am­mu­nition Dealers, Inc. (AFAD) sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ayon kay AFAD President Aric Topacio, ang event ay naglalayong magbigay kaalaman sa public sa usapin ng mga armas at tamang paggamit nito.

“Very soon, beginning this year, we shall be known not just as individual gun enthusiasts but a unified industry,” ani Topacio.

Ipapakita sa event ang mga top-of-the-line local at imported firearms, optics, sporting goods at accesso­ries.

Magsisimula ang prog­rama sa alas-10 ng umaga kung saan inaasahang dadalo si Sen. Ronald ‘Ba­to’ Dela Rosa at ng ilang mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Phi­lippines (AFP).

Show comments