FEU ibinalik ang korona sa Cheerdance

Ang FEU Cheering Squad ang hinirang na kampeon sa Cheerdance Competition.
UAAP

MANILA, Philippines — Naibalik ng Far Eastern University Cheering Squad  ang korona sa kanilang bakuran matapos manalo sa katatapos na UAAP Season 86 Cheerdance Competition na ginanap sa Mall of Asia Arena kahapon.

Nasungkit ng FEU Cheering Squad ang pang-apat na titulo, huli nila noong Season 84.

Pumangalawa ang Season 85 champions National University Pep Squad habang third place ang UST Salinggawi Dance Troupe.

Swak sa panlasa ng mga judges ang Super Mario routine ng FEU upang makakuha ng 702.5 points sapat upang mangibabaw sa nasabing kompetisyon.

Nakakuha ang NU Pep Squad ng 697 points habang 687 puntos ang nalikom ng UST Salinggawi Dance Troupe.

Parehong nakakuha ng five points deductions ang FEU at NU pero nakalamang ang Tamaraws Cheering Squad sa tumbling, tosses, pyramids, at sayaw para makuha ang titulo.

Pang-apat ang Adam­son Pep Squad (665 points), sunod ang UP Pep Squad (602), UE Pep Squad (559), DLSU Animo Squad (555.5) at Ateneo Blue Eagles (532).

Show comments