Import-less Dyip sinisiw ng Tropang Giga

MANILA, Philippines — Inilista ng TNT Tropang Giga ang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Terrafirma, 133-93, sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalansan si PBA Best Import Rondae Hollis-Jefferson ng 37 points, 6 rebounds at 6 assists para sa 2-1 kartada ng Tropang Giga.

Tumapos sina Jayson Castro, Calvin Oftana at rookie Henry Galinato na may tig-15 markers at may 13 points si Kelly Williams.

Minalas ang Dyip na makadiretso sa kanilang ikatlong dikit na arangkada para sa 2-1 baraha.

Hindi naglaro sina import Thomas De Thaey at Juami Tiongson.

Mula sa 58-55 abante sa halftime ay rumatsada ang TNT sa third period sa pangunguna ni Hollis-Jefferson para iwanan ang Terrafirma sa 93-64 sa 3:06 minuto nito.

Matapos isara ang na­sabing yugto bitbit ang 99-71 kalamangan ay humataw pa ang TNT sa fourth quarter sa itinayong 40-point bubble, 128-88, sa huling 3:35 minuto.

Binanderahan ni Javi Gomez De Liaño ang Dyip sa tinapos niyang 16 points, samantalang may 14, 13 at 12 markers sina Isaac Go, No. 1 overall pick Stephen Holt at Eric Camson, ayon sa pagkakasunod.

Show comments