SJ Lady Knights kinabog ang AM Spikers

MANILA, Philippines — Winalis ng San Juan Lady Knights Go For Gold Navy ang Caloocan AM Spikers via straight sets, 26-24, 26-24, 25-14, sa MPVA league sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Pumoste si Mary Jane Ticar ng 16 excellent sets para banderahan ang opensa ng San Juan Lady Knights.

Nakipagsabayan ang Caloocan AM Spikers sa first at second set bago kumawala ang San Juan Lady Knights sa third frame.

Samantala, pinalawig ng Bacoor City Strikers ang kanilang pananalasa sa tatlo nang igupo ang Marikina Lady Shoemasters, 25-17, 25-16, 16-25,25-21.

Ang MPVA ay inihahandog ng Xtreme appliances katuwang ang Mikasa, ang official ball, ASICS, ang official shoes, at XIV, ang official uniform ng MPVA.

Mapapanood ang mga laro ng MPVA sa PLUS Network at sa MPTV sa Cignal Channel 98 at sa Pilipinas Live app.

Show comments