MANILA, Philippines — Alam ni Tony Bishop na malaki ang pupunan nitong puwestong naiwan ni Justin Brownlee bilang import ng Barangay Ginebra sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup.
Maganda ang kontribusyon ni Bronwlee sa mga nakalipas na kampanya ng Gin Kings gayundin sa mga international tournaments ng Gilas Pilipinas.
Minalas lang ito matapos magpositibo sa doping sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China na pinagharian ng Gilas Pilipinas.
Dahil dito, nakabinbin pa ang partisipasyon ni Brownlee dahil posible itong mapatawan ng suspensiyon.
Kaya naman hinugot ng Gin Kings si Bishop bilang kapalit ni Brownlee.
Excited na si Bishop na maglaro para sa Gin Kings na isa sa pinakapopular na team sa Pilipinas.
Ito rin ang ikalawang winningest team tangan ang 15 titulo.
“These guys have a really good foundation already, so I’ll just bring my part to the team and help these guys do what they do,” wika pa ni Bishop.
Hindi naman na bago si Bishop sa PBA.
Naging import ito ng Meralco noong 2021 Governors’ Cup.
Dinala nito ang Bolts sa finals ngunit natalo ang kanilang tropa sa Gin Kings.